|
WELCOME!
hello :) andito ka ngayon sa blog ko ü don't forget to leave a message sa aking hamak na tagboard and/or
comment sa posts ko :) heheheü btw, thanks to CHERRY for the layout ;)
*HUGS* TOTAL!
give MARIANNE more
*HUGS*!!
Get hugs of your own
Thursday, March 09, 2006
subject: dramaaa at thank you's!
time : 8:04 PM
mahaba-haba to.
andami nang nangyari.. matagal na rin akong hindi nakakapagsulat.. dalawang araw na nawalan ng pasok dahil nagkakagulo na.. pati sa pisay, ang gulo gulo rin.. ang daming nangyayari sa batch namin na hindi ko maintindihan kung bakit.. kung bakit may mga taong gumagawa nun o kung bakit may mga tao talagang sadyang walang konsensiya sa mga pinaggagagawa nila.. hindi ko maintindihan kung bakit nila naiisip ang mga ganung bagay sa gantong age pa lang.. pano pagtanda nila? ano na mangyayari? wala na. sirang-sira na buhay nila.. hindi ko alam ang dapat kong gawin, gusto kong tumulong pero hindi ko naman alam kung paano..
natapos na lahat. achievement tests, perio, long tests at sangkatutak na requirements. masaya, na nakakalungkot na nde ko maintindihan.. mahirap ipaliwanag.
masaya lang ako sa chem prac :) haha. barbero.
nakakamiss pala talaga magkaroon ng klase. lalo na pag kasama mo mga kaklase mo pag break. senti mode. wala lang. di na kasi yun mauulit ever..
gusto kong irewind ang buhay ko sa pisay. ewan. kahit na hindi ko naman talaga gusto sa school mismo, pag kasama ko naman yung mga taong gusto kong makasama, nagiging ok na ko :) hehehe..
sayang dahil wala ako sa film namin. ay. andun pala.. extra. hahaha. sayang naman, nasira na ang dream ko na maging 'dubbing superstar'.. haha. at least, hair stylist and make-up artist ako.. wahaha :) tas iniyakan ko ng sobra yun ah, dahil nde ako nakasama dun sa overnight.. oh well.iyakin. =,(
last week, (perio week), yun na siguro ang pinakamasakit na week sa buong buhay ko.. andami daming nangyari.. marami akong bagay na nalaman.. na parang hindi ko kinakaya.. buong week umiiyak ako, nang wala namang may alam kung bakit.. hindi nila siguro ako maiintindihan, na kahit ilang ulit akong mag-explain, wala namang makakatulong saken o makakapagpagaan ng loob ko.. ewan ko. sunod-sunod talaga eh.. buti di ko naisipang gumawa ng masama.. at buti na lang iniiyak ko na lang, natatakot kasi akong may mapagbuhusan ako ng galit ko.. at bahala na siya sa buhay niya sa kung ano mang magagawa ko..hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit may mga taong hindi alam kung kelan ako nagseseryoso at kung kelan ako nagbibiro.. hindi nila narerealize na nakakasakit na pala sila.. may mga bagay silang ginagawa at sinasabi sakin na dinaramdam ko ng sobra-sobra.. bakit pag sila, feeling ko naman lagi ko silang iniintindi? kahit naman papano, sensitive naman ata ako sa mga nararamadaman nila.. pero ako, bakit hindi ko yun makita sa kanila?
haaay. nga pala, pasado ako ng upcat. pero kasi UPLB. sana payagan akong mag-transfer sa diliman dahil wala naman akong makakasama dun if ever..
tas. uhm. malaking kahihiyan to sa buhay ko. muntik na kong mag-removals sa math.. 0 kasi yung isang problem set ko, eh 5% yun ng final grade.. tas ang nangyare, sinabi saken tas 2 days before yung removals, pinagawa saken ulit ni mam ung problem set.. eh kelangan ko ng 32/50 tas naka 44/50 ako :) kaya yun.. nde tuloy! at alam sha ng parents ko, tinakot lang nila ko para mag-aral buong weekend,, sana nagsasaya na lang ako.. pero ayos lang..
hahaha. kala ko mamamatay na ko..
ayan tuloy. di ako nakasama na naman sa isang sleepover..
gusto ko lang magpasalamat kay mam dinah sa pagtitiwala saken :) kay kaye, pauline, alyssa sa pakikipagkwentuhan at pagsama saken sa pagrereview :) kay athena sa lahat ng encouragement :) kay aildrene dahil siya yung napagbuhusan ko ng mga problema ko, salamat talaga :) at para sa lahat talaga, thank you..
hahahahahaha. mahal ko kayo ♥
next entry, change mood naman ü hihi.ü
maryani
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
0 Comments:
Want to ?
go back to main page
Site © Name 2005 | Layout © Cherry |
|
*about me*
name: marianne
age: 16 years young :)
birthday: september 08
email: marianne_nic0las@yahoo.com
school: garden angels learning center, holy spirit academy, philippine science highschool
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
may nakita akong magandang layout for summer kaya eto muna yung layout ko :) cute naman diba? ahehehe.ü
para di na siya pink :)
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
this is me :)
isip-bata. parang matanda kung magsalita. nakakatawa. laging seryoso. friendly. masungit. approachable.
snob. matalino. tanga. mahinhin. sabog. mabait. sakit sa ulo. masipag. tamad. sweet. torpe. charming. pa-cute.
conservative. liberal. unpredictable.
labo no? haha. eh ganyan ako eh =p
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
* i love *
chito miranda// champ lui-pio//clothes// number 08/number 27// comfy shoes// dolls// hello
kitty// PINK// betty spaghetti// RAINY DAYS// laughing =D// chickenjoy :) //flip phones// christmas// cartoons//
dubbers// music// art// journals// BAD BADTZ MARU// diaries// blogs// COFEE// caps// CHOCOLATES// earrings [or
kahit anong accessory]// flipflops// tv// PENS// anime`// guitar// my FRIENDS// ryan agoncillo// dancing// ronald
weasley// topher grace// nail polish// champorado// RAINBOWS// teddy bears// PILLOWS// movies [esp romantic
ones]// HARVEST MOON// opm bands// RONIBATS// dragonflies// cats// BOB ONG// chinovelas// herbench
cologne// marks&spencer lotion// garfield// VIC ZHOU// japanese food// squash// cher's [from clueless] white
jeep// beetle cars// madami pang mabababaw na mga bagay :D
* i hate *
LIZARDS!!// dogs// bad hair days// scars, wounds, scratches// pointed and sharp objects
especially knives// dinosaurs// people na mahirap i-please, presko atsaka mga kagaya ni ****// ANTS//
stringbeans// thunder// mosquitoes// playing ball games except softball// being disturbed when sleeping//
WAITING// talking infront of a crowd// explaining// being left out// myself// wala pa kong madagdag :P
this is me.. again.
haha. scary. galing sa fone ng kapatid ko.. wala lang. kasi inaasar ko
siya eh. tas ayan. natawa kase ako nung nakita ko yung pic na yan.. hehe :)
*linkies*
[my livejournal]
[my tabulas]
[my blogger]
[my multiply site]
[my friendster]
[sanrio]
[barbie]
[gluon multiply]
[gluon2 multiply]








*tagboard*
*memories*
December 18, 2005
December 25, 2005
January 01, 2006
January 08, 2006
January 15, 2006
January 22, 2006
February 05, 2006
February 19, 2006
March 05, 2006
March 12, 2006
March 19, 2006
March 26, 2006
April 16, 2006
*credits*
Powered by : Blogger
Found at : Blogskins
Image from :Stock Xchng
Brushes : here,
here &
here.
__________________
Designed by: CHERRY.
|
|