WELCOME!
hello :) andito ka ngayon sa blog ko ü don't forget to leave a message sa aking hamak na tagboard and/or comment sa posts ko :) heheheü btw, thanks to CHERRY for the layout ;)



*HUGS* TOTAL! give MARIANNE more *HUGS*!!
Get hugs of your own



Wednesday, December 28, 2005
subject: wowowee

time : 3:55 PM

whew. just finished 3 write-ups. tinatapos ko pa yung kay amanel ngayon. hay ang hirap.

marunong na kong mag-bike!

joke lang.i woke up late tas it's raining right now, di makalabas, walang magtuturo. lintik na buhay nga naman..

nanood ako kanina ng wowowee.. naaasar ako. kasi natalo yung lolo (?) kawawa naman sha eh. P200, 000 na, nawala pa. kala ko rin kasi andun sa loob yung P1M. hay. kakadepress talaga. awang-awa ako eh.

seryoso muntik na kong umiyak.

currently reading: the paracletan
currently listening to: the rythm of the falling rain. anlakas grabe
currently feeling: sleepy -_-zz


Image hosted by Photobucket.com maryani
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

0 hugs

Tuesday, December 27, 2005
subject: huh??

time : 10:58 PM

di ako makapaniwala. shet.

Case No. : 20113
Examinee Name: Nicolas, Marianne Marcelino
School : Philippine Science High School, Qc
Degree : IE SFA
Status: Qualified ALREADY as regular/paying student. Result of the Financial Assistance Application will be released in February, 2006.

huh? di ako nagyayabang. pero.. sa lahat ng kinuhanan ko, eto yung pinakabinarbero ko. pano kung eto lang yung pinasahan ko? pano pag bagsak ako sa upcat? sinong magbabayad ng tuition fee ko??!!??


Image hosted by Photobucket.com maryani
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

0 hugs



time : 1:38 PM

december 25

wow. pasko na pala.. pero parang hindi. wala naman kasi akong ginawa masyado nung araw na yun.. nagpunta lang kami sa bahay ng tita ko sa fairview [malapit kela sofia, sana namasko ako.. haha :)], nanood ng monster-in-law, nakipagkulitan kay ria, lumamon ng sangkatutak na pagkain at natulog. yun
lang. kaya siguro kami umalis ng bahay kasi tinatakasan namin yung mga namamasko na sobrang daming mga bata na kadalasan eh di naman namin kakilala. hehehe =D

pagkatapos ay nagpunta kami sa mga lola ko ulit, dahil lagi naman kaming may "family reunion" tuwing linggo at kung kelan man may okasyon. sana hindi na lang ako nagdamit ng maganda dahil wala namang nangyari. tss. pumunta pa kami sa ninang ko na mayaman pero mukha namang nagtipid ng bigay saken. gayunpaman, masaya naman ako sa mga natanggap ko :D pag nagkatrabaho ako, pramis, maganda ko mamigay.. hahaha =p

yun lang. pinaiyak ko na naman ang paboritong pinsan ko.. napakasarap talagang magpaiyak ng bata :) masyado akong nasisiyahan :) tapos konting loko lang ulit, bati na kayo, love ka na niya.. haay. ang sarap mang-away ng bata, di gaya ng mga matatanda at mga isip-bata.

nung umuwi kami, nagpagasolina ang papa ko. at gwapo ang gasoline boy =D nyahahahaha :) pero oo, too..hehe.

pero hindi naman ang pag-eenjoy ang dapat ginagawa. dahil birthday nga ni jesus diba? :) pero yun nga lang, bakit hindi ko maramdaman ang pasko di tulad dati? baka kasi mas maraming problemang iniisip ngayong panahong 'to..

- - - - -

omg. kamukha ko ba talaga si say?? @_@ halos sampung tao na ang nagsabi saken nun. nanay ko, kapatid ko, mga lola ko, pinsan ko, tita ko, ninang ko, anak ng ninang ko, si aildrene, at kung sino-sino pa.. tsk.

- - - - -

anong problema ko at ang lalim ng tagalog ko? haha :)

- - - -
december 26

nagpunta kaming sm marilao para samahan ang mommy ko at ang kapatid ko na manood ng kingkong.. dumating kami dun ng mga alas-tres ng hapon dahil marami pang humabol mamasko. takte. di na nila pinapalabas ang kingkong! grr. metro manila film fest nga pala! pinalitan ng enteng kabisote, last full show na ang 2:10 at matatapos ng 5pm.. 3pm kami andun at hanggang labas ang
pila. di ka na makakahinga sa dami ng tao, pramis.

- - - - -

nung sumakay kami sa jeep, may mama` na nag-abot ng sulat, nanghihingi ng tulong para sa may mga kapansanan. hindi ko alam kung bakit, at hindi ko alam kung masama o mabuti pero napakamaawain ko. nag-away pa kami ng kapatid ko dahil dun kasi barya lang yung binigay niya dun sa lalaki eh nahihiya ako.. tapos yung mga tao pa sa loob ng jeep wala man lang ibinigay na kahit
ano. kaya mas naaawa ako. pangit ba yun? ewan ko rin eh. kaya ayokong namimigay sa mga nangangaroling eh, ayokong magbigay ng mga piso-piso lang. kawawa naman sila.

- - - - -

wala akong masyadong pera. pero nakabili ako ng chucks! woohoo. ;p super cute pramis. nakita ko lang sa department store, dun sa bilihan ng sapatos para sa mga bata. walang masyadong fit sa paa ko pero dahil medyo ok naman at nakakalakad ako kahit maluwang, binili ko na.. hehehe :) tuwang-tuwa ako eh.. stripes na blue, pink, yellow atsaka orange! basta maraming colors :) ang cute
talaga :) may logo pa ni mickey mouse.. haha :) hindi ko pinagsisisihang binili ko yun.. gusto ko pa ngang bilhin yung iba pero sa susunod na lang.. may pink, white, blue, etc. di hamak na mas mura to sa converse dahil P400 lang ang bili ko.. ang saya :) ngayon lang ako ulit bumili ng regalo para sa sarili ko.. eto ata yung unang sapatos na binili ko para saken :D

- - - - -

ang mahal naman ng mga kung anuano ngayon. yak. andaming tao sa sm marilao. sus ko po. para kayong mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata >_<

december 27

sa wakas. nadeposit ko na rin yung P600 na bayad para kay dixie dizon. magkakaroon na ko ng mars!! yehey!! =D

sana...



Image hosted by Photobucket.com maryani
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

0 hugs


Site © Name 2005 | Layout © Cherry
 
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com